Tuesday, November 18, 2008

Maraming maraming salamat!


Mula sa kaibuturan ng aking puso, ako'y personal na nagpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa Hiraya! At siyempre kay Kuya Red na espeyal ding nai-feature ang Hiraya sa kanyang header.

Mahigit tatlong taon na po ang Hiraya at sobrang ikinagagalak ko lang na bukod sa nagkakaroon ako ng pagkakataong mailabas ang mga damdaming hindi ko madalas masabi sa normal na usapan, nakakabuo rin ako rito ng pamilya, ng mga kaibigan.

Siguro, dahil normal na rin naman na sa akin ang magsulat nang hindi sumusunod sa anumang writing standards, naging malaking bahagi na rin ng buhay ko ang Hiraya.

Dito, hindi ko kinakailangang magsulat ng tungkol sa isang bagay na hindi ko naman gusto ngunit dala ng pagiging manunulat ay kailangang isulat. Dito, mas nailalabas ko ang mga saloobin ko hinggil sa mga isyu na direktang apektado ako. Dito, mas malaya kong maisusulat ang mga bagay na pangarap kong masabi.

Para sa mga kagaya ni Kuya Red na patuloy na sumusuporta sa Hiraya. Sa mga nagbabasa, sa mga taong patuloy na nakikisabay sa aking paglalakbay, maraming maraming salamat!

Photo Credit: http://redlan76.blogspot.com/
Click here to post a >>COMMENT<<

Creative Commons

Creative Commons License This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 License.

Nuffnang

Sponsored Tweets

SponsoredTweets referral badge

Alexa Rating

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | coupon codes